Kasong administratibo vs. 8 pulis-QCPD na humawak sa road rage incident, dininig na sa QC pleb

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinimulan na ngayong dinggin ng People’s Law Enforcement Board ng Quezon City (PLEB) ang mga kasong administratibo laban sa walong tauhan ng QCPD na humawak sa nag-viral na road rage incident sa Welcome Rotonda, Quezon City noong Aug. 8

Present sa pagdinig sina LtCol. Jake Barila, PCMSgt. Jonar Jorta, Pat. Arman Mandi, PCMS Aldrin Radan na pawang nakatalaga dati sa QCPD Station 11. Kasama rin sina PSSG Darwin Peralta, PSSG Joel Aviso, PEMS Armando Carr, PCPL Mark Anthony Rasay na mula naman sa QCPD Traffic Sector 4.

Ang mga ito ay umano’y nagpabaya sa kanilang tungkulin nang hawakan ang kaso ng road rage na kinasasangkutan ng dati ring pulis na si Wilfredo Gonzales.

Habang hindi naman personal na nakadalo ang complainant na si Atty. Raymond Fortun dahil sa knee injury at tanging ang legal counsel nito ang humarap.

Sa pagdinig, kinuwestyon ang mga pulis sa kanilang pagresponde sa insidente at kung bakit hindi inaresto agad si Gonzales gayong nagsumbong na noon ang siklista na ito ay binatukan at kinasahan ng baril.

Sa depensa ng mga pulis, sinabi ng mga ito na wala silang personal knowledge sa nangyari dahil ang akala nila ay simpleng traffic incident lamang ito.

Kasama sa mga kasong isinampa laban sa mga pulis ang oppression, irregularities in the performance of duties, at incompetence.

Una nang sinabi ni PLEB Exec. Officer Atty. Rafael Vicente Calinisan na kabilang sa posibleng kaharapin na parusa ng mga pulis ay dismissal mula sa serbisyo o suspensyon sa trabaho. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us