Kauna-unahang Creative Industries Month 2023, inilunsad ng NCCA at DTI

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinagdiriwang ng Pilipinas ang masiglang malikhaing industriya o creative industry ngayong buwan ng Setyembre bilang bahagi ng Philippine Creative Industries Month (PCIM) 2023.

Opisyal itong ilulunsad ng National Commission for Culture and the Arts at Department of Trade and Industry sa Rizal Park Open Auditorium sa Setyembre 17.

Ang diwa ng pagdiriwang na tatagal ng isang buong buwan ay nakapaloob sa temang, “Celebrating Filipino Creativity, Advancing Creative Philippines.”

Ang PCIM ay isang testamento sa pangako ng gobyerno sa pagsuporta at pag-angat sa creative industry na nagbibigay-pansin sa mga hakbangin na humuhubog sa masiglang sektor na ito sa hinaharap.

Sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang event partners and organizations, ang DTI ay nag-curate ng isang series of events at initiatives na nagbibigay pansin sa mga masugid na artists sa creative sectors.

Ang mga aktibidad na ito ay idinisenyo upang ipagdiwang ang creative spirit ng mamamayang Pilipino at magbigay ng isang plataporma para sa mga artists upang ipakita ang kanilang mga gawa, matuto mula sa mga eksperto sa industriya, at makipagtulungan sa iba pang malikhaing isip.

Itinatampok ng PCIM ang eight pillars, bawat isa ay kumakatawan sa isang natatanging aspeto ng creative industry.

Kabilang dito ang mga eksibisyon at pag-install, mga showcase at pagtatanghal, mga workshop at mga writeshop, mga kumpetisyon at mga pitch, mga palitan at diyalogo, mga talakayan at pag-uusap, mga kaganapang partikular sa domain, at mga platform para sa diyalogo at pakikipagtulungan sa negosyo. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us