Arestado ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos mahulihang ilegal na nagdadala ng baril sa bahagi ng Bgy. 116 sa Tondo, Maynila.
Sinabing nagpapatrolya sa lugar ang mga pulis na sina Patrolman Christian Bacani at Police Corporal Ariel Angeles dahil sa ulat ng mga insidente ng pangho-holdap sa lugar nang makita nila ang kahina-hinalang bagay na itinago sa kanang baywang ng suspek.
Pagkalapit at pagpapakilala ng mga pulis sa suspek, tinanong ng mga ito kung ano ang kahina-hinalang bagay, tila nabahala raw ang suspek at nang subukang inspeksyunin ng isang pulis ay naglaban daw ito.
Nagdulot ang nasabing insidente sa maiksing habulan kung saan natagpuan at nakumpiska ng mga pulis ang isang .38 caliber revolver firearm.
Hindi rin nagawa ng suspek na magpakita ng anumang dokumento na nagpapatunay na siya ay nagmamay-ari ng baril.
Kinahaharap ngayon ng suspek ang mga kasong paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code or Resisting Arrest at RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Law kaugnay ng BP 881 o ang Ombibus Election Code. | ulat ni EJ Lazaro