Lebel ng tubig sa Marikina River, unti-unti nang bumababa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Unti-unti nang bumababa ang lebel ng tubig sa Marikina River ngayong hapon.

Ito ay kasunod ng walang tigil na pagbuhos ng ulan simula kahapon hanggang kaninang umaga.

Batay sa pinakahuling tala ng Marikina City Rescue 161 hanggang nitong alas-4 ng hapon, nasa 14.5 meters na lang ang lebel ng tubig sa ilog mula sa 14.8 meters kaninang alas-9 ng umaga.

Wala na rin nakataas na alarma at balik na sa normal ang lebel ng tubig sa kabila ng malakas na buhos ng ulan.

Ayon sa Marikina City Rescue 161, wala rin naiulat na mga nagsilikas sa lungsod kahit pa itinaas sa unang alarma ang alarm level sa ilog nitong weekend.

Kaugnay nito, pinapayuhan pa rin ng Lokal na Pamahalaan ng Marikina ang mga residente na isagawa ang ibayong pag-iingat ngayong masama ang panahon.

Sa ngayon, naglilinis at nagsasagawa naman ng flushing operation ang mga tauhan ng Marikina River Park Authority upang linisin yung mga basura at putik na napunta sa gilid ng Marikina River banks. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us