Lebel ng tubig sa Marikina River, nananatiling normal sa kabila ng magdamag na pag-ulan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananatiling normal ang lebel ng tubig sa Marikina River sa kabila ng walang patid na pagbuhos ng ulan sa nakalipas na magdamag hanggang nitong umaga.

Batay sa monitoring ng Marikina City Rescue 161, nasa 14.8 meters ang lebel ng tubig sa Marikina River o nasa dalawang pulgada na lang bago ang 15 meters o unang alarma.

Kaugnay niyan, nagpaliwanag si Marikina City Mayor Marcelino Teodoro sa pagkakaantala ng deklarasyon hinggil sa suspensyon ng klase sa mga paaralan sa lungsod

Aniya, wala naman kasing naitalang pagbaha sa Marikina lalo’t naging epektibo naman aniya ang isinagawa nilang dredging activities sa ilog.

Ito ang dahilan kaya’t kinailangan pa niyang makipagpulong sa City Disaster Risk Reduction and Management Office para talakayin at hintayin ang naging reskomendsasyon ng PAGASA bago humantong sa naturang desisyon. | ulat ni Jaymark Dagala

📸: MARIKINA CITY RESCUE 161

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us