Namahagi na ng scholarship assistance ang lungsod ng Taguig sa mga bagong aplikante ng programa maging ang mga mag-aaral na nasa 10 Embo barangays na nakapaloob na sa Taguig City.
Ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano ito’y para sa lahat ng mga mag-aaral na nais mag-aral ng kolehiyo kung saan walang maintaining grade na hinihingi ang lokal na pamahalaan.
Naniniwala rin ang alkalde na hindi nasusukat lamang sa academic excellence ang galing ng isang tao dahil ang bawat isa ay may iba’t ibang talento at kahusayang taglay.
Aabot sa 387 na bagong scholars ang nabiyayaan ng P5,000 na tulong mula sa lokal na pamahalaan kung saan umakyat na sa mahigit 83,000 ang kabuuang bilang ng mga iskolar ang natulungan ng naturang programa. | ulat ni AJ Ignacio