Matagumpay na nagbukas ang Luzon leg ng Philippine ROTC Games (PRG) sa Cavite State University sa Indang, Cavite nitong Linggo.
Ang opening ceremony ay sinaksihan nila Senator Francis “Tol” Tolentino, Senator Christopher “Bong” Go, 2nd Infantry Division Commander Maj. General Roberto S. Capulong at 202nd Infantry Brigade Commander Brig. General Cerilo C. Balaoro Jr.
Kalahok sa pinakamalaking regional tournament ang iba’t ibang ROTC (Reserve Officer Training Course) unit mula sa mga kolehiyo at unibersidad sa Region 1, 2, 3, CALABARZON, MIMAROPA, at Region 5.
Sila ay maglalaban-laban sa iba’t ibang kompetisyon tulad ng track and field, basketball, kickboxing, boxing, arnis, volleyball, at e-sports. | ulat ni Leo Sarne
📷: 2ID