Magkapatid na suspek sa pagpatay ng pulis sa Rizal, naaresto sa Bulacan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naaresto ng mga tauhan ng Rizal Provincial Police Office (PPO) sa operasyon sa Bulacan ang magkapatid na suspek sa pagpatay kay PSSg. Allan Guimpayan sa Taytay, Rizal noong September 7.

Naaresto ang dalawa noong September 14 sa isang construction site sa San Jose Del Monte, Bulacan matapos ang tuloy-tuloy na follow-up operations ng operating unit ng Rizal PPO.

Maalalang si PSSg. Guimpayan na nakatalaga sa Warrant Section ng Taytay Police Station ay pinagtulungan pagpapaluin at pagbabarilin gamit ang kanyang sariling service firearm ng dalawang suspek at dalawa pang miyembro ng kanilang pamilya.

Nauna nang sinampahan ng murder charges sa Rizal Prosecutor’s Office sina Caroso Belda Sr. alias “Pulding”, at anak na si Dexter alias “Bibe”, Caroso, Jr. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us