Mahigit 100 indibidwal na biktima ng trafficking-in-persons sa Sulu, nasagip ng mga awtoridad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa 128 biktima ng trafficking-in-persons ang nasagip ng mga tauhan ng Ministry of Social Services and Development o MSSD Sulu kahapon sa tulong ng mga tauhan mula sa 7th Special Action Battalion, Women’s and Children Protection Center Mindanao Field Unit, Criminal Investigation Detection Provincial Group Field Unit, WCPD Sulu PPO, 1st at 2nd Mobile Force Company, Pangutaran MPS, Regional Maritime Unit BAR, Philippine Coast Guard, Philippine Navy at PDEA BAR.

Nangyari ang pagsagip kahapon sa Tubalubok, Barangay Aluh Bunah, Pangutaran, Sulu, matapos na naisagawa ang pagplanong maigi ng joint operating units.

Sa panayam ng Radyo Pilipinas Jolo kay PLt. Col. Dominador Mauricio, Battalion Commander ng 7SAB na nakabase sa Sulu, tagumpay nilang nasagip ang mga biktima sa kamay ng kanilang malulupit na amo sa loob ng ilang taon nilang pagtatrabaho.

Ani Mauricio sa kanilang pagsisiyasat, pinangakuan ng magandang kita ang mga biktima kaya naengganyo na pumayag ang mga ito, pero kabaliktaran pala ang nangyari.

Samantala, nabigyan na ng paunang tulong mula sa MSSD Sulu ang mga biktima tulad ng food at non-food items. Nagsagawa naman kaagad ng medical checkup kahapon ang mga tauhan ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office at mula sa Bureau of Fire Protection para sa supply ng tubig.

Matatandaang nauna nang nasagip ang ilang mga kasamahan ng mga ito at mayroon din sa kanila ang tumakas. | ulat ni Fatma Jinno | RP Jolo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us