Mahigit 200 pamilyang apektado ng sunog sa Valenzuela City, kasalukuyang tumutuloy sa evacuation centers

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot na sa 215 pamilya o 803 na indibidwal ang apektado ng sunog sa isang bodega sa Barangay Bagbaguin, Valenzuela City.

Ito ay batay sa pinakahuling monitoring ng Lokal na Pamahalaan ng Valenzuela.

Kasalukuyan ngayong tumutuloy ang mga ito sa apat na evacuation centers sa lungsod, kabilang ang A. Mariano Elementary School, 3S Center Multipurpose Hall, Pedro L. Santiago Elementary School, at 3S Covered Court.

Nagsagawa din ng pulong ngayong araw sina Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian kasama ang Bureau of Fire Protection, Philippine National Police, City Social Welfare and Development Office, Local Disaster Risk Reduction Council, at mga kapitan ng apektadong barangay upang pag-usapan ang nangyaring sunog.

Kabilang sa mga natalakay ang kalagayan ng mga apektadong trabahador ng nasunog na bodega, pati na ang mga pamilya na dinala sa evacuation centers.

Ayon sa Valenzuela LGU, patuloy ang kanilang assessment sa naturang insidente kaya’t hindi pa maaaring pabalikin ang mga residente sa kanilang bahay.

Matatandaang sumiklab ang sunog sa Herco Trading, isang bodega ng hardware at construction materials kung saan itinaas sa Task Force Bravo ang sunog bandang 3:40PM.

Sa ngayon, patuloy pa rin na inaapula ng mga tuhan ng BFP at fire volunteers ang sunog. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us