Mahigit 4k disciplinary cases ng mga pulis, naresolba sa paglilinis ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniulat ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo na 4,082 disciplinary case ng mga pulis ang naresolba ng PNP mula Enero 1 hanggang katapusan ng Agosto ng taong kasalukuyan.

Ang mga naresolbang kaso ay nagresulta sa 935 dismissal sa serbisyo, 242 demosyon, 1,850 suspensyon, 159 forfeiture of salary, 680 reprimand, 110 restriction, at 106 pag-withhold ng benepisyo.

Ayon kay Fajardo, ito ay isang malaking hakbang sa pagsisikap ng PNP na masigurong tumatalima ang kanilang mga tauhan sa pinakamataas na antas ng propesyonalismo at integridad.

Ito ay nagsisilbi narin aniyang babala sa mga pulis na mapatunayang sangkot sa iligal na aktibidad na mahaharap sila sa kaukulang parusa.

Tiniyak naman ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na patuloy na palalakasin ng PNP ang kanilang Internal Disciplinary Mechanism at striktong ipatutupad ang doktrina ng Command Responsibility sa pagsunod sa Police Operational Procedures.

Binigyang diin naman ng PNP Chief na ang mga pulis na napatunayang sangkot sa katiwalian ay maliit na porsyento lang ng buong pwersa ng PNP, at mas marami parin ang mga matitinong pulis. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us