Mahigit 500 bilateral activities, ipatutupad ng AFP at US Military sa taong 2024

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahigit 500 bilateral activities ang kinumpirma nang ipatupad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Estados Unidos sa susunod na taon

Kapwa inihayag ng AFP at ng US Indo- Pacific Command sa katatapos na taunang Mutual Defense Board – Security Engagement Board meeting na ginanap sa Camp Aguinaldo.

Dumalo dito sina AFP Chief of Staff Gener Romeo Brawner at US INDOPACOM Commander Admiral John Aquilino.

In-assess sa pulong ang mga nagdaang aktibidad, kasabay ng paniniyak na ipatutupad sa 2024 ang mahigit 500 bilateral engagement, kasama na ang high – level exchanges kasama ang mga kaalyadong bansa, kaugnay ng suguridad at kooperasyon, strategic vision, kasama na ang maritime security, pagbabahagi ng impormasyon, capacity and capability building.

Nagkasundo rin ang dalawang opisyal na madaliin ang pagkukumpleto ng EDCA projects, bukod sa 32 mga natukoy na naunang proyekto

Posible rin na mangailangan ang militar bg Estados Unidos na makagamit o magkaroon pa ng access sa iba pang milatary bases sa bansa sa ilalim joint defense agreement ng 2 bansa. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us