Malabon LGU, nagsimula nang mamahagi ng P15,000 cash assistance para sa maliit na rice retailers sa lungsod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinimulan na rin ang pamamahagi ng cash assistance para sa mga small at micro rice retailer sa Lungsod ng Malabon.

Ito ay sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Layon nitong matulungan ang mga maliit na rice retailer na tumalima sa naging kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na price cap sa bigas.

Pinangunahan ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval ang pamamahagi ng ayuda kasama ang mga kinatawan ng DSWD, Department of Trade and Industry, at Department of the Interior and Local Government.

Nasa P15,000 na cash assistance ang natanggap ng 87 mga benepisyaryo.

Nagpasalamat naman si Sandoval sa pamahalaan sa tulong na ibinigay sa mga maliit na rice retailer sa lungsod, kasabay nito ay nanawagan ang alkade sa pamahalaan na sana ay mabigyan ang lungsod ng murang supply ng bigas upang matugunan ang tumataas na presyo nito.

Tiniyak naman ng Malabon LGU, na patuloy na tutulungan ang mga apektadong rice retailer bukod pa sa tulong ng pamahalaan. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us