Muling umarangkada ang pamamahagi ng ayuda para sa mga maliliit na rice retailer sa Lungsod ng Marikina ngayong araw.
Layon nitong matulungan ang rice retailers na tumalima sa Executive Order No. 39 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na price cap sa bigas.
Nasa 200 na mga rice retailer ang nabigyan ng P15,000 ayuda mula sa pamahalaan.
Ito ‘yung mga hindi nabigyan noong unang batch ng payout, dahil sa mga kakulangan sa requirements.
Pinangunahan ni Marikina City 2nd District Representative Stella Quimbo kasama ang mga kinatawan ng Department of Social Welfare and Development and Department of Trade and Industry, ang pamamahagi ng ayuda.
Bukod dito ay binigyan din ng grocery items ang mga benepisyaryo mula sa tanggapan ni Representative Quimbo.
Ayon naman kay Miriam Soliven na tatlong taon nang nagtitinda ng bigas sa Barangay Tumana. Malaking bagay para sa kaniyang maliit na bigasan ang ayuda ng pamahalaan.
Aniya, idadagdag niya ito sa puhunan ng kaniyang negosyo.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang pamamahagi ng ayuda dito sa Civic Center Barangay Conception Dos. | ulat ni Diane Lear