Maria Ressa, inabswelto ng Pasig RTC sa kasong tax evasion

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuluyan nang inabsuwelto ng Pasig City Regional Trial Court Branch 157 si Rappler CEO Maria Ressa dahil sa kasong tax evasion.

Ito ang ibinalita ni Ressa kasama ang kaniyang legal team sa pangunguna ni Atty. Francis Lim matapos ang pagbasa sa kaniya ng sakdal.

Ayon kay Lim, nabigo ang prosekusyon na patunayang ‘guilty beyond reasonable doubt’ si Ressa sa mga kasong isinampa laban sa kaniya.

Sa panig ni Ressa, tila nabunutan na siya ng tinik dahil inabot ng may apat na taon at 10 buwan ang naging paglilitis bago tuluyang bumaba ang hatol ng korte.

Nabatid na dapat noong isang taon pa naibaba ng Korte ang hatol sa kasong tax evasion na isinampa laban kay Ressa noong Nobyembre 2018 subalit ngayon lamang natuloy ang promulgation.

Ito na ang huli sa limang kasong isinampa laban kay Ressa kung saan, apat dito ay una nang ibinasura ng Court of Tax Appeals dahil sa paglabag sa Sec. 255 ng Tax Code dahil sa pagdedeklara ng hindi tamang impormasyon sa Value Added Tax Return noong 2015. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us