Marikina at Taguig, tumanggap na ng handheld devices mula sa MMDA na gagamitin sa pagpapatupad ng single ticketing system

Facebook
Twitter
LinkedIn

Natanggap na ng mga Pamahalaang Lungsod ng Marikina at Taguig ang mga handheld ticketing device gayundin ang iba pang kagamitan para sa pagpapatupad ng Single Ticketing System.

Pinangunahan ni MMDA Assistant General Manager for Operations David Angelo Vargas ang pamamahagi sa Taguig City na tinanggap naman nina Taguig City Mayor Lani Cayetano at mga opisyal nito sa city hall.

Sa Marikina, tinanggap naman ito ni Marikina City Administrator Janet Obispo.

Kabilang sa itinurn-over ng MMDA Management Information Systems Staff (MISS) sa dalawang LGUs ang 30 handheld ticketing devices, server, server rack, UPS, work stations, printers, software, at 60 piraso ng SIM cards. | ulat ni Jaymark Dagala

📸: MMDA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us