Mas pinalakas na pagsusulong ng usaping pangkapayapaan, tampok sa Peace Symposium 2023

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa ilang araw na pagtatapos ng National Consciousness Month ngayong Setyembre, isang aktibidad tungkol sa kapayapaan ang binigyang pagpapahalaga.

Pinangunahan ni Captain Norsal Dimaporo, Hepe ng Armed Forces of the Philippines Peace and Development Office ang isa sa napakalaking event ng sinasabing PEACE celebration, ang Peace Symposium 2023 na may temang “The Synergy of Peacebuilding Actors in Sustaining the Gains of Peace” sa Quezon City, na dinaluhan ng iba’t ibang opisyal ng pamahalaan mga bisita mula sa hanay ng PNP, AFP at iba’t ibang sektor ng mga kababaihan, relihiyon, foreign communities at marami pang iba.

Layunin ng nasabing okasyon ang pagkilala sa mga naiambag at mga magagawa pa upang mas pagtibayin pa ang usaping pangkapayapaan tulad ng napakasensitibong peace process sa Bangsamoro.

Dito, ipinakilala din ang mga ahensyang nagtutulong-tulong tulad ng AFP, PNP at ng OPAPRU upang wakasan ang conflict na kadalasa ay naiuugnay sa mga malalayong lugar ng bansa.

Apat na indibidwal mula sa local at international sector ang nagbahagi ng kanilang kaalaman at karanasan sa conflict areas ng kanilang nasasakupan sa nasabing symposium.

Kabilang sa mga dumalo sina Office of the Presidential Adviser for Peace, Reconciliation & Unity (OPAPRU) Secretary Carlito Galvez, Jr., Presidential Assistant Wilben Mayor ng OPAPRU, at Philippine National Police Chief Police General Benjamin Acorda, Jr. sa nasabing okasyon.

Dito, ipinunto ni OPAPRU Secretary Galvez ang kahalagahan ng pagkakaisa tungo sa long-lasting peace ng ating bansa  

Dagdag pa nito, nagpapaslamat ang kanilang ahensya sa patuloy na suporta ng AFP sa usaping peace process. Na aniya noon pa man ay katuwang na ng ating pamahalaan, at hindi ito makakamit kung walang malakas na kolaborasyon kasama ang sambayanang Pilipino.

Ibinahagi rin ni Galvez ang dagdag na budget sa taong 2024 na nagkakahalaga ng P5 bilyon para sa Pamana Project  sa Bangsamoro, at sa iba pang mga proyekto ng kanilang ahensya na nagsusulong ng mas pinalakas na usaping pangkapayapaan. | ulat ni Princess Habiba Sarip-Paudac

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us