Metro Manila Council, nagpulong ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling nagpulong ngayong araw ang Metro Manila Council (MMC) upang talakayin ang iba’t ibang usaping may kinalaman sa paghahatid ng serbisyo para sa mga Pilipino.

Nanguna sa nasabing pagpupulong si MMC President at San Juan City Mayor Francis Zamora kasama si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairperson Atty. Don Artes.

Kabilang sa mga dumalo ay sina Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, Malabon City Mayor Jeanie Sandoval, at mga kinatawan ng 15 Local Chief Executives na nasasakupan ng National Capital Region (NCR).

Dito, kanilang tinalakay ang iba’t ibang usapin tulad ng Executive Order no. 39 o ang pagtatakda ng price ceiling sa bigas, update sa single ticketing system gayundin ang paglulunsad ng programang LAB for ALL ni First Lady Liza Araneta-Marcos.

Inaasahan ding magbibigay ng update ang MMDA hinggil sa shared lane ng bicycle lane at iba pa. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us