Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamamahagi ng libreng bigas at iba pang tulong ng gobyerno sa mga mahihirap na benepisyaryo sa General Trias, Cavite, ngayong araw.
Tig-25 kilos ng bigas ang ipinamahagi sa 1,400 na benepisyaryo.
Nagmula pa ang bigas sa raid na isinagawa ng pamahalaan sa Zamboanga, at una na ring ipinamahagi noong Martes.
Sa kaniyang talumpati, sinabi ng Pangulo na resulta ito ng pinalakas na kampanya ng pamahalaan laban sa smuggling at hoarding.
Ngayong umaga, pinangunahan rin ng Pangulo ang pamamahagi ng mga binhi at fertilizers.
Pagsisiguro ng Pangulo, magpapatuloy ang pagpapatupad ng iba’t ibang hakbang ng pamahaaan upang mapagaan ang buhay ng mga Pilipino.
“Lahat po ‘yan kailangan natin gawin, pati na ang mga pagtulong sa mga cooperatives, sa mga association tungkol sa processing para sila na ang mag-process para pagbenta nila, hindi sila nagbebenta ng palay, nagbebenta sila bigas na para mas malaki ang kikitain nila,” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan