Mga residente ng Paniqui, Tarlac, nabigyan ng tulong ng PCSO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Namahagi ng tulong ang Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) sa mga residente ng Paniqui, Tarlac.

Layon ng programa na mabigyan ng tulong ang mga mahihirap na komunidad sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Pinangunahan ni PCSO Director Jennifer Guevarra ang pagbibigay ng 1,000 food packs sa mga benepisyaryo sa Eduardo Cojuangco Gymnasium.

Bukod dito ay nagbigay din ang PCSO ng scholarship assistance sa 11 mag-aaral sa nasabing bayan.

Nagpasalamat naman ang Lokal na Pamahalaan ng Paniqui, Tarlac sa tulong na ipinaabot ng PCSO na makakatulong sa mga pangunahing pangangailangan ng mga residente.| ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us