Tuloy-tuloy ang pagtulong ng Philippine Red Cross (PRC) sa ating mga kababayan na nasalanta ng mga nagdaang bagyo sa bansa.
Namahagi ang PRC ng tulong sa mga residente na kasalukuyang tumutuloy sa mga evacuation center sa Barangay Gugo at Barangay Meysulao sa Calumpit, Bulacan.
Nasa 150 na mga indbidwal ang nakatanggap ng hot meals mula sa PRC Bulacan Chapter.
Bukod dito, nagsagawa rin ang mga volunteer at staff ng PRC ng health promotion gaya ng handwashing techniques at leptospirosis lecture para sa mga bata.
Ito ay para makaiwas sila sa mga sakit na dulot ng mga pagbaha ngayong panahon ng pag-ulan.
Tiniyak naman ng PRC, na hindi ititigil ang mga pagtulong sa mga komunidad na napinsala ng kalamidad o sakuna. | ulat ni Diane Lear