Mga rice retailer at may-ari ng sari-sari store sa Mandaluyong, hinihintay na ang ayuda mula sa pamahalaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa ang mga maliliit na rice retailer gayundin ang mga may-ari ng sari-sari store sa Mandaluyong City na makatatanggap din sila ng ayuda mula sa pamahalaan.

Ayon sa mga nakausap na rice retailer ng Radyo Pilipinas sa Mandaluyong City, paubos na kasi ang kanilang bentang murang bigas at magagamit sana nila ang matatanggap na ayuda para mapunuan ito.

Magugunitang ipinag-utos na ng Malacañang ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga sari-sari store na apektado ng price cap.

Kaya naman malaking bagay para sa kanila ang makatanggap ng ayuda upang patuloy silang makapagbenta ng P41 at P45 kada kilo na bigas.

Kasalukuyan nang may-ugnayan ang Department of Social Welfare and Development o DSWD gayundin ang Department of Trade and Industry o DTI para tukuyin ang mga benepisyaryo. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us