Tatlong buwang ayuda sa renta ang handog ng Lokal na Pamahalaan ng Valenzuela para sa mga maliliit na rice retailer sa lungsod.
Ito ang inihayag ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian sa isinagawang payout ngayong araw.
Bukod pa ito sa natanggap na P15,000 na ayuda ng mga rice retailer mula sa Department of Social Welfare and Development.
Nasa 200 na rice retailer sa lungsod ang nakatanggap ng tig-P5,000 ayuda sa rental fee para sa buwan ng Oktubre.
Nakatakda namang ipamahagi ang ayuda para sa Nobyembre at Disyembre sa mga susunod na buwan.
Ayon kay Gatchalian, naiintindihan niya ang sitwasyon ng mga rice retailer sa lungsod na nagbebenta na ng palugi para makasunod sa price cap sa bigas.
Ipinaliwanag din ng alkalde na ang dahilan SA pagpapatupad ng Executive Order Number No. 39 ay upang mapigilan ang pananamantala ng mga rice hoarder at rice cartel.
Dagdag pa ni Gatchalian ang Valenzuela LGU na ang pupunta sa tirahan ng mga apektadong rice retailer sa mga susunod na buwan upang ipamahagi ang ayuda. | ulat ni Diane Lear