Mga rice retailer sa Pasig City Mega Market, ramdam na ang panahon ng anihan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tila nabunutan na ng tinik ang mga rice retailer sa Pasig City Mega Market dahil matiwasay na nilang naibebenta ang kanilang tindang bigas.

Ito’y ayon sa mga rice retailer ay dahil sa mas mura na ang nakukuha nilang suplay ng bigas ngayong panahon ng anihan.

Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, sinabi ng mga rice retailer na nakabibili na sila ng ₱400 kada sako ng bigas kaya naman kakayanin na nilang magbenta ng ₱45 kada kilo ng well-milled rice.

Uubra na rin silang magbenta ng ₱41 at ₱45 na murang bigas nang walang limit kaya’t hindi na kailangang mangamba ng mga mamimili.

Ayon pa sa mga rice retailer, kung magpapatuloy ang magandang ani ng mga magsasaka ay umaasa silang tatanggalin na ng pamahalaan ang Executive Order no. 39 o ang pagtatakda ng price celing sa bigas. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us