Nagpaabot na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng cash assistance sa mga may-ari ng sari-sari store sa Bukidnon.
Alinsunod pa rin ito sa direktiba ng Pangulo na matulungan ang maliliit na rice retailers kasama na ang mga sari-sari store na nagbebenta ng P41-P45 kada kilo ng bigas.
Ayon sa DSWD, nagsimula nitong Martes, Sept. 26, ang distribusyon ng SLP sa 285 sari-sari store owners na mula sa Malaybalay City at Kibawe.
Nakatanggap ang mga ito ng tig-P15,000 halaga ng cash aid.
Target ng DSWD Field Office X na mapabilis ang pamamahagi ng cash aid sa 840 apektadong sari-sari store owners sa buong rehiyon. | ulat ni Merry Ann Bastasa
📷: DSWD