Umarangkada na ngayong hapon ang pamamahagi ng cash assistance sa sari-sari store owners na nagbebenta ng murang bigas sa Malabon City.
Ang distribusyon ng tulong pinansiyal ay isinasagawa sa Malabon City hall ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) nito.
May 35 benepisyaryo ang nasa listahan ng DSWD na makakatanggap ng tulong pinansiyal na P15,000.
Ang mga sari-sari store owner ay patuloy na nagbebenta ng P45 kada kilo ng bigas alinsunod sa ipinatutupad na Executive Order 39 o mandated price ceiling sa bigas.
Nitong nagdaang araw, may kabuuang 87 micro rice retailers sa lungsod ang unang pinagkalooban ng tulong pinansiyal ng DSWD at Department of Trade and Industry. | ulat ni Rey Ferrer