Mga tsuper sa Mandaluyong City, umaasang magtuloy-tuloy ang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maaga pa lamang ay may Christmas wish na ang mga tsuper ng pampublikong sasakyan sa Mandaluyong City.

Anila, sana’y magtuloy-tuloy na ang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo na nagsimula dalawang linggo nang nakalilipas.

Sa pagtatanong ng Radyo Pilipinas sa mga tsuper ng Jeepney, mabilis kasing naubos ang natatanggap nilang fuel subsidy na nagkakahalaga ng ₱6,500.

Sobrang mahal kasi anila ang presyo ng krudo na sinabayan pa ng mga pangunahing bilihin.

Gayunman, nagpapasalamat sila sa ayudang kanilang natatanggap mula sa pamahalaan. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us