Micro rice retailers sa Western Visayas, nakatanggap ng cash aid mula sa DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatanggap na rin ng ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga micro rice retailer sa Western Visayas.

Ito ay sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP)-cash assistance ng DSWD.

Layon nitong tulungan ang mga rice retailer na tumalima sa Executive Order 39 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na price cap sa bigas.

Isinagawa ang payout sa Iloilo City at Negros Occidental sa pamamagitan ng DSWD Field Office Western Visayas.

Nasa P720,000 na subsidy ang kabuuang naipamahagi sa mga small business owner sa rehiyon.

Tiniyak naman ni DSWD Western Visayas Regional Director Atty. Carmelo Nochete, na unang batch pa lamang ito ng ayuda.

Aniya, ginagawa lahat ng DSWD at DTI ang lahat upang maibigay ang kinakailangang pang tulong para sa mga rice retailer. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us