Militar, bukas sa imbestigasyon ng CHR sa pagkamatay ng 6 na NPA sa Kabankalan, Negros Occidental

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanindigan ang 3rd Infantry Division ng Philippine (3ID) Army na lehitimo ang operasyon ng 47 Infantry Battalion kung saan naka-engkwentro at na-nutralisa ang 6 na teroristang komunista sa Sitio Lubi, Brgy. Tabugon, Kabankalan City, noong September 21, 2023.

Sa isang pahayag, sinabi ni Lt. Col. J-Jay Javines, tagapagsalita ng 3ID na kumpiyansa sila na ang imbestigasyon ng Commission on Human Rights (CHR) ay magpapawalang-sala sa mga tropa sa anumang alegasyon ng paglabag sa karapatang pantao.

Ayon kay Lt. Col. Javines, striktong sinusunod ng mga sundalo ang Rules of Engagement at International Humanitarian Law sa kanilang mga operasyon dahil alam nilang may matinding kaparusahan ang paglabag dito.

Giit ni Lt. Col. Javines, ang mga nasawi sa operasyon ay mga notoryus na NPA, na may mahabang kasaysayan ng krimen.

Pinaalalahanan naman ni 3ID Commander MGen. Marion R. Sison ang publiko na maging mapanuri sa disimpormasyon na ikinakalat ng mga teroristang komunista na bahagi lang ng kanilang propaganda laban sa pamahalaan. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us