Miyembro ng Arnulfo Teves Terrorist Group, arestado ng PNP sa Nueva Ecija

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naaresto ng Philippine National Police (PNP) ang isang miyembro ng Arnulfo Teves Terrorist Group na wanted sa kasong murder, sa Brgy. Sta. Catalina, Talugtug, Nueva Ecija kahapon ng hapon.

Sa ulat ng Talugtug Municipal Police station na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang akusado na si Richard Namoco Quadra, isang poultry caretaker at residente ng Sta. Catalina, Negros Oriental.

Inaresto si Quadra sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Amelia Lourdes Uy Mendoza ng RTC Branch 34, Dumaguete City, noong July 30, 2021.

Sa ginawang search kay Quadra, nakumpiska pa sa kanya ng mga awtoridad ang isang 9mm handgun na may kargang bala.

Dahil dito sasampahan si Quadra ng karagdagang kasong paglabag sa RA 10591 at Omnibus Election Code dahil sa umiiral na gunban.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Talugtug Police Station ang suspek para sa kanyang tamang disposisyon. | ulat ni Leo Sarne

📷: Talugtug MPS

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us