MMDA, agad rumesponde matapos umapaw ang bahagi ng EDSA Santolan bunsod ng malakas na ulan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagmistulang ilog na naman ang northbound lane ng EDSA Santolan partikular na sa harap ng Kampo Aguinaldo ngayong araw.

Ito’y matapos bumuhos ang malakas na ulan ngayong araw dulot ng thunderstorm na tumagal ng mahigit sa isang oras.

Dahil dito, naging pahirapan na naman ang pagdaan ng mga motorista sa bahaging ito ng EDSA dahil ilang minuto pa lamang ang nakalilipas ay nasa gutter deep na ang baha

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng MMDA upang magmando sa daloy ng trapiko kung saan, pinaakyat ang mga motorista sa EDSA Santolan Flyover

Habang ang mga motoristang patungo ng Boni Serrano ay pinagigilid sa tabi ng flyover kung saan mas mababaw ang baha

Magugunitang kahapon (Setyembre a-24), ilang oras ding nabalahaw ang daloy ng trapiko sa baging ito ng EDSA dahil sa biglang pagtaas ng baha dulot ng malakas na pag-ulan. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us