Patuloy na pinaalalahanan ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang mga motorista na “Kung hindi ligtas, huwag basta-basta magpalit ng lane.”
Ito’y makaraang makapagtala ang MMDA ng 10 aksidente sa mga pangunahing lansangan sa Kalakhang Maynila kahapon, Setyembre 24.
Batay ito sa naitalang monitoring ng MMDA Traffic Metrobase simula alas-6 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi.
Kasama sa mga dahilan ng aksidente ang mga nabangga sa likuran ng sasakyan gayundin ang pagkakaroon ng side-swipe lalo na sa mga motorsiklo.
Bagaman may napaulat na nasugatan sa mga nabanggit na aksidente, pawang mga minor injury lang ang kanilang natamo. | ulat ni Jaymark Dagala