MMDA, umapela sa mga tindero sa palengke na sundin ang itinakdang price cap sa bigas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang pulungin ng 17 Local Chief Executives ang mga market administrator sa kani-kanilang nasasakupan gayundin ang iba’t ibang stakeholders.

Ito’y para sa pagpapatupad ng Executive Order 39 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nagtatakda ng price cap sa bigas sa buong bansa epektibo bukas, ika-5 ng Setyembre.

Kasunod nito, nagpaalala ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa mga market administrator na sundin ang nasabing kautusan.

Sa ilalim kasi ng EO 39, itinatakda sa ₱41 ang kada kilo ng regular-milled rice habang ₱45 naman ang kada kilo ng well-milled rice.

Hinimok naman ni MMDA Acting Chairman, Atty. Don Artes ang 17 Local Chief Executive sa Metro Manila na paganahin ang kanilang Local Price Coordinating Council.

Magugunitang nagpulong ang MMDA at ang Department of the Interior and Local Government o DILG nitong weekend kasama ang iba’t ibang ahensya hinggil sa pagpapatupad ng nasabing kautusan. | ulat ni Jaymark Dagala

📸: MMDA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us