Pormal na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorsiklo mula sa motorcycle dealer na Ropali para sa Motorcycle Riding Academy ng ahensya.
Sa ginanap na turn-over ceremony at paglagda sa deed of donation, nagpasalamat si MMDA Acting Chairperson Atty. Don Artes kay Ropali President Ariane Alingog-Claro, sa suporta nito sa riding academy ng ahensya.
Ayon kay Artes, asahan na gagamitin ng tama ang naturang donasyon upang mas maraming riders ang makinabang at maturuan ng disiplina sa lansangan.
Bukod sa motorsiklo, nagkaloob din ang nasabing motorcycle dealer ng 10 helmets at isang tent.
Nakatakdang magbukas ang MMDA Motorcycle Riding Academy sa September 27, na layong mabawasan ang mga aksidente sa kalsada sa Metro Manila na kinasasangkutan ng mga motorsiklo. |ulat ni Diane Lear