Pormal nang pinasinayaan ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang kanilang Motorcycle Riding Academy ngayong araw.
Ito ang institusyon na tututok sa pagtuturo ng tamang disiplina sa lansangan ng mga gumagamit ng motorsiklo.
Pinangunahan ni MMDA Acting Chairperson, Atty. Don Artes ang inauguration kasama ang mga opisyal ng MMDA gayundin sina Pasig City Mayor Vico Sotto, Pasig Rep. Roman Romulo at Government Service Insurance System o GSIS President Jose Arnulfo Veloso.
Gayundin ang mga kinatawan mula sa Honda Motors Inc. , Joyride, Move-It at Angkas na nagkaloob din ng motorcycle units para sa nasabing programa.
Nagbigay din ng kaniyang mensahe si Vice President Sara Duterte bilang pagbati sa matagumpay na paglulunsad ng nasabing programa.
Aabot sa mahigit 100 motorcycle units ang maaaring gamitin sa nasabing programa para sa 100 participants na sasailalim sa 2 araw na modules. | ulat ni Jaymark Dagala