Motoristang nagkasa ng baril sa nakaalitang taxi driver sa Valenzuela, kinasuhan na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinampahan na sa Valenzuela City Prosecutors Office ang motoristang nasa likod ng panunutok ng baril sa isang taxi driver sa panibagong viral road rage incident na naganap sa Bignay-Punturin noong August 19.

Sa isinagawang press briefing, kinilala ni Valenzuela Chief of Police PCol. Salvador Destura Jr. ang suspek na si Marlon Malabute.

Ayon kay Col. Destura, naghain na ang biktimang taxi driver na si Henry Ong ng reklamong ‘grave threats’ at paglabag sa Article 155 ng RPC (alarm and scandal) laban sa suspek.

Kinansela na rin ng PNP-Firearms and Explosive Office ang lisensya sa baril ni Malabute na isang 9mm pistol.

Pinaniniwalaan naman ng mga pulisya na nagtatago na ang suspek dahil hindi na ito matunton sa kanyang address sa Caloocan at Maynila.

Lumalabas sa imbestigasyon na si Malabute ang ikatlong may-ari na ng puting fortuner na may plate number na NBB-3135.

Kasunod nito, inatasan naman na ni Mayor Wes Gatchalian ang Valenzuela Police na paigtingin ang police visibility at plano ring magdagdag ng mga CCTV sa mga kalsada sa lungsod upang hindi na maulit pa ang insidente. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📷: Valenzuela LGU

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us