Nakipagpulong si Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon sa mga rice retailer, grocery owners, at marker administrators sa lungsod hingil sa pagpapatupad ng price cap sa presyo ng bigas.
Aniya, naiintindihan niya ang rice retailers dahil sa mga naunang stock ng mga ito na nakatakda nilang ibaba ang presyo sa P41 at P45 ang kada kilo.
Makakaasa naman ang mga naturang retailer, na magkakaroon ng mga ayuda mula sa national government at maging sa Lungsod ng Muntinlupa. | ulat ni AJ Ignacio