Muntinlupa LGU, nakatakdang magsagawa ng libreng bakuna para sa mga senior citizen at PWD sa lungsod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang magsagawa ang lungsod ng Muntinlupa ng libremg bakuna para sa sakit na pneumonia para sa mga senior citizen at Persons With Disability (PWDs) sa ibat ibang lugar sa lungsod.

Ayon sa Public Information Office ng lungsod, mag-uumpisa ang libreng bakunahan bukas, September 19 sa Country Homes, Brgy. Putatan.

Susundan naman ito sa September 26 sa Biazon Road, Southville 3, Brgy. Poblacion; September 27 sa Our Lady of the Miraculous Medal Parish, Brgy. Sucat at sa September 27 Korokan, San Antonio, Brgy. Poblacion.

Ayon naman kay Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon layon ng kanilang pagbibigay ng nasabing aktibidad ay upang makaiwas sa sakit na pneumonia ang mga senior citizen at PWDs.

Para sa iba pang impormasyon, makipag-ugnayan lang sa City Health Office-Muntinlupa Facebook page, o tumawag sa 8-541-3485 at/o mag-email sa [email protected]. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us