Naaresto sa paglabag sa gun ban, nasa 682 na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniulat ni Philippine National Police Public Information Office (PNP-PIO) Chief Police Colonel Jean Fajarado, na umabot na sa 682 ang naaresto dahil sa paglabag sa gun ban.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni Fajardo na ito ay batay sa datos ng PNP hanggang alas-11 kagabi.

Umabot naman sa 422 ang mga nakumpiskang baril at 3,157 naman ang iba pang deadly weapon at kontrabando na narekober.

Samantala, 663 naman ang mga baril na idineposito sa PNP para sa “safe-keeping” at 532 naman ang nag-surrender ng unexpired licenses.

Matatandaang Agosto 28, sinimulang ipatupad ng PNP ang nationwide gun ban kasabay ng pagsisimula ng election period para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us