Nakatenggang promosyon ng 3rd level officers ng PNP, malapit nang maresolba

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na matutuloy ang promosyon ng mga 3rd level officer ng PNP na matagal nang nakatengga.

Ito aniya ang pagtiyak na binigay mismo ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr., na personal na nagtungo sa Camp Crame para makipagpulong sa mga apektadong opisyal.

Ayon sa PNP Chief, pinaliwanagan ng kalihim ang mga apektadong opisyal at tiniyak na personal niyang tututukan ang kanilang mga papeles sa mga nakataas para lumabas na.

Sinabi naman ng PNP Chief, na “satisfied” ang mga opisyal sa paliwanag ng kalihim at umaasang mareresolba na ang isyu.

Matatandaang una nang naantala ang promosyon ng humigit kumulang 100 koronel at heneral nang magsumite sila ng courtesy resignation na bahagi ng paglilinis ng hanay ng PNP.

Pangamba ng ilang mga opisyal na malapit nang magretiro, baka abutan na sila ng pagbabawal sa promosyon kung kulang na sa isang taon ang itatagal nila sa serbisyo. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us