Nararanasang volcanic smog sa Bulkang Taal, maaaring magtagal hanggang sa susunod na linggo—Phivolcs  

Facebook
Twitter
LinkedIn

Posible pang magtagal ang nararanasang volcanic smog o vog sa Bulkang Taal.

Sa panayam ng Radyo Pilipinas kay Mariton Bornas, ang hepe ng Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division ng Phivolcs, sinabi nitong maaaring magtagal ang vog sa Taal hanggang September 26.

Ito aniya ay dahil mababa ang windspeed sa kalakhang Taal na nasa below 2 meters per second kung kaya’t namumuo ang volcanic sulfur dioxide sa ibabaw ng bulkan.

Samantala, nagpaalala naman ang Phivolcs sa posibleng banta ng vog sa kalusugan ng tao.

Ayon kay Bornas, ang longterm exposure sa vog ay maaaring magdulot ng sakit sa baga lalo na para sa mga may sakit sa puso at asthma, senior citizens, at buntis.

Hinikayat naman ni Bornas ang mga residente na apektado o nakakaranas ng vog sa Taal na manatili na lamang sa bahay at kung hindi naman maiiwasang lumabas ng bahay ay magsuot ng N-95 mask.

Nauna rito ay sinabi na ng Phivolcs na walang koneksyon ang nararanasang smog sa Metro Manila sa nararanasang vog sa Taal. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us