Nasa 2,000 San Juaneño, nabenepisyuhan ng ‘Lab for ALL’ at Makabagong San Juan Barangay Caravan ngayong kaarawan ng Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling umarangkada ngayong araw ang ‘Lab for ALL’ at Makabagong San Juan Barangay Caravan sa Lungsod ng San Juan ngayong araw.

Ito ay handog ng Lokal na Pamahalaan ng San Juan sa pagdiriwang ng ika-66 na kaarawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Pinangunahan ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang pagbibigay ng iba’t ibang serbisyo sa mga taga-San Juan kasama ang ilang opisyal ng lokal na pamahalaan.

Nasa 2,000 San Juaneño ang benepisyaryo ng iba’t ibang libreng serbisyong medikal gaya ng bakuna para sa mga bata, bunot ng ngipin, gamot, COVID-19 booster shot, human papillomavirus vaccine, at flu vaccine.

Mayroon ding feeding program, on-site tax payments, libreng gupit ng buhok pati na ang pamamahagi ng San Juan City health card at solo parent ID application assistance.

Maaari rin mag-apply ang mga residente ng tulong pinansyal gayundin ng medical at burial assistance, pagpaparehistro para sa PWD at senior citizen ID at iba pa.

Isinasagawa ang “Lab for ALL” at Makabagong San Juan Barangay Caravan ngayong araw sa Barangay Batis Multipurpose Building sa F. Manalo mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Hinikayat naman ng San Juan LGU ang mga residente na makiisa at dumalo sa nasabing aktibidad. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us