NHA, namahagi ng lot grant sa 66 pamilya sa Pasig

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa 66 na pamilya mula sa Pasig ang binigyan ng National Housing Authority ng Certificate of Lot Allocation (CLA) para sa loteng kinatitirikan ng kanilang mga tahanan sa Soldier’s Village, Brgy. Sta. Lucia.

Bilang mga kinatawan ni NHA General Manager Joeben Tai, pinangunahan nina NHA East Sector Officer-in-Charge Ar. Kristiansen T. Gotis at Pasig/Marikina/Manggahan District OIC Ar. Monn Alexander Ong, kasama sina Pasig Lone District Rep. Roman T. Romulo, Mayor Victor Ma Regis N. Sotto, Vice Mayor Robert B. Jaworski, Jr.; at mga konsehal ng Pasig 2nd District na sina Maria Luisa Angela M. de Leon-Rivera at Quin A. Cruz, ang pagbibigay ng lot awards sa mga benepisyaryo sa isang seremonya kahapon, September 26

Ayon sa NHA, sa tulong ng lot grant, opisyal nang nakapangalan sa mga benepisyaryong residente ang loteng kinatitirikan ng kanilang mga tahanan sa Soldier’s Village.

Ang mga benepisyaryo ay mga lehitimong residente ng Pasig na ang mga loteng kinatatayuan ng kanilang mga tahanan ay kabilang sa Proclamation No. 458 ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Sa ilalim ng proklamasyong ito, ang mga lupang walang titulo at ang mga lupang pagmamay-ari ng pamahalaan na matatagpuan sa kahabaan ng Manggahan Floodway sa mga munisipalidad ng Cainta at Taytay sa Rizal, at Lungsod ng Pasig na may kabuuang sukat na 123.993 ektarya ay inilipat sa NHA upang magamit para sa mga socialized housing program ng bansa.

Kasunod nito, tiniyak naman ng NHA na patuloy ang pagsisikap nito na tulungan ang mas nakararaming pamilyang Pilipino na maabot ang kanilang pangarap na magkaroon ng sariling tahanan. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📷: NHA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us