Binalaan ni House Speaker Martin Romualdez si Office of the Transportation Security Administrator Usec. Mao Aplasca na magbitiw na sa pwesto o hindi aaprubahan ng Kongreso ang panukalang pondo ng OTS.
Ang panawagan ni Romualdez kay Aplasca na bumaba sa pwesto ay dahil sa kabiguan nitong solusyunan ang mga iligal na aktibidad ng mga security personnel sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Pinakahuli dito ang babaeng security officer na nahuli sa CCTV na kumupit ng $300 mula sa bagahe ng biyaherong Chinese at tinangka pang lulunin
“I am advising the OTS chief: submit your courtesy resignation before the House of Representatives tackle the budget of your office. Mag-resign ka na. Kung hindi ka magsa-submit ng resignation, ako mismo ang magba-block ng approval ng budget ng OTS,” diin ni Romualdez.
Para kay Romualdez, dapat nang magsumite ng courtesy resignation ang OTS chief dahil sa prinsipyo ng command responsibility.
Panahon na rin aniya na magpatupad ng full revamp o paglilinis sa hanay ng airport security office.
“Naka-strike three na ang OTS chief. We are already fed up with these reports of stealing and other acts of wrongdoing at the airport, for which OTS officials and their DOTr supervisors are ultimately responsible. A top-to-bottom overhaul is needed,” anang House Speaker.
Paalala ng House leader, makakasama sa imahe ng bansa at sa ating ekonomiya kung hindi matutugunan ang iligal na gawain.
“An ugly incident will certainly leave a discouraging and lasting impression. This is the reason why we should deploy the finest personnel at ports of entry,” sabi pa ni Speaker Romualdez.
Nitong Marso lang inirekomenda na ni Romualdez sa OTS na magpatupad ng paglilinis sa kanilang hanay nang mapaulat ang pagnanakaw sa isang Thai tourist sa NAIA— kabilang dito ang pagpapalit sa lahat ng OTS employee at mag-hire ng bagong kawani.
“What have happened to those commitments? Where are the reforms?” tanong ni Romualdez.
Pinayuhan din ng house leader si Transporation Sec. Jaime Bautista na bantayang mabuti ang kaniyang nasasakupan dahil posibleng sinasabotahe lang siya ng mga mga kasamahan.
“Every now and then, we hear of nefarious activities, aviation glitches, power equipment malfunctions and disruptions, and similar nasty things taking place at the airport. There may be people sabotaging him,” sabi pa ng House Speaker.| ulat ni Kathleen Jean Forbes