‘Oplan Pag-Abot’ ng DSWD, nagpapatuloy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy pa rin ang pagsasagawa ng Department of Social Welfare and Development ng mga reach-out operations sa ilalim ng Oplan Pag-Abot.

Nitong Miyerkules, muling nag-ikot sa Pasay City ang mga social worker ng DSWD para hanapin ang mga mga kabataan, mga indibidwal at mga pamilyang nasa lansangan.

Nagsagawa ng assesssment ang DSWD sa mga ito kung saan inalam ang tulong na maaaring maipaabot ng pamahalaan sa kanila.

Una nang inatasan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang Oplan Pag-Abot team na palawakin ang mga reach-out operation lalo na ngayong “ber months.”

Pangunahing pinatututukan ng kalihim ang pagtulong sa mga indigenous peoples (IPs) IPs in street situation na inaasahang magbababaan na naman sa Metro Manila habang papalapit ang holiday season. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📷: DSWD

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us