Oplan Pag-Abot ng DSWD, umarangkada sa Maynila

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsagawa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng reach out operation sa Lungsod ng Maynila.

Ito ay sa ilalim ng Oplan Pag-abot ng ahensya, na layong alalayan ang mga pamilya at mga batang nasa lansangan.

Nag-ikot ang Oplan Pag-Abot Team sa mga kalye sa Maynila simula kagabi hanggang kaninang umaga, upang hanapin ang mga mga kabataan, mga indibidwal, at mga pamilyang nasa lansangan.

Nasa 56 na indibidwal ang nahikayat ng DSWD na sumama sa kanila, at saka ito dinala sa processing center sa Barangay 721 Dakota Covered Court sa Malete para sa assessment.

Dito inalam kung anong maaaring tulong ang maibibigay ng ahensya para sa kanila.

Matatandaang inatasan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang Oplan Pag-Abot team, na palawakin ang mga reach-out operation lalo na ngayong “ber months.” | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us