Sa patuloy na kampanya sa pagsugpo ng marijuana, sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kasama ang iba’t ibang unit ng Philippine National Police (PNP), ang dalawang plantasyon ng marijuana sa Ngibat, Tinglayan, Kalinga na may humigit-kumulang na 40,000 piraso ng fully grown marijuana plants.
Ayon kay PDEA Director General Moro Vergilio Lazo, binunot at sinunog ng mga operating unit ang lahat ng plantasyon ng marijuana na itinanim sa isang lugar na may sukat na 4,000 square meters.
Pero, walang cultivator ang naaresto sa operasyon.
Samantala, dumalo sa pulong ng Sangguniang Panlalawigan ng Kalinga ang mga opisyal ng PDEA-CAR Kalinga Provincial Office, at iniulat ang sitwasyon ng kalakalan ng iligal na droga sa naturang lalawigan. | ulat ni Diane Lear