P80 million na panukalang pondo para sa pagpapalakas ng Pag-asa Island, pinadaragdagan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa si Deputy Speaker Ralph Recto na hindi lang P80 million ang pondo na nakalaan para sa pagpapalakas ng military facility ng bansa sa Pag-asa Island.

Batay sa itemized expenditure na nakapaloob sa panukalang 2024 budget, pinondohan ng P40 million ang igloo-style ammunition storage at P40 million din para sa bagong dalawang palapag na military personnel barracks.

Makikita aniya ang pondong ito sa P3.8 billion “Tatag ng Imprastraktura para sa Kapayapaan at Seguridad Program“ o TIKAS program ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Para sa Batangas solon, kung anong ingay ang ginagawa ng bansa para depensahan ang ating teritoryo at tapatan dapat ito ng sapat na pondo para mapalakas ang ating pagbabantay.

“For all the loud noises government makes in defending what is ours in the West Philippine Sea, it seems that the funds it is proposing in the 2024 national budget for improving military facilities in Pag-asa Island in Kalayaan, Palawan amounts to a whimper…Sana nga mayroon pang nakatago, nakasiksik sa  ibang lumpsum funds sa budget tulad ng  P50 billion AFP Modernization Fund for 2024.” giit ni Recto

Punto pa ng mambabatas na kailangan ng shore protection sa isla dahil kung hindi ay maaagnas ang airstrip ng Rancudo Air Station doon.

Aniya, habang pinapalawak ng mga nanghihimasok na bansa ang kanilang reklamasyon sa loob ng ating katubigan ang ating isla naman ay nanganganib na lumubog dahil sa coastal erosion.

Maaari naman aniyang remedyuhan ng Kongreso ang kulang na pondo para masimulan na ang pagsasa-ayos at pagpapalawak ng Pag-asa Island sa 2024.

“Our occupation of Pag-asa is unchallenged. Conventional wisdom dictates that we transform an island we physically possess into a bulwark…The P80 million is an oversight that could be remedied by a budget errata sent to Congress upon the President’s order, which proposes a higher amount, or when faced with executive inaction, Congress can do it on its own.” sabi pa ni Recto. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us