Pagkaaresto sa mataas na lider-komunista sa Mindoro, makakahadlang sa panggugulo ng NPA sa BSKE — PNP Chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuri ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang matagumpay na operasyon ng mga pulis at partner law-enforcement agencies sa Taguig City na nagresulta sa pagkakaaresto ng mataas na lider-komunista sa Mindoro.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame kahapon kinilala ni Gen. Acorda ang suspek sa alyas na “Yvonne,” na miyembro ng Sub-Regional Area 4B o Islacom Mindoro/Lucio de Guzman Command ng Southern Tagalog Regional Party Committee.

Sinabi ng PNP chief na si “Yvonne” ay wanted sa patong-patong na kaso kabilang ang murder, multiple murder, attempted murder, multiple frustrated murder, at theft; at isa sa most wanted person sa Joint PNP-DILG wanted list, na may ₱280,000 sa ulo.

Ayon sa PNP chief ang pagkaka-aresto kay “Yvonne” ay malaking dagok sa plano ng mga teroristang komunista na manggulo sa darating na Barangay at Sanguniang Kabataan Elections (BSKE).

Base aniya sa karanasan, sinasamantala ng NPA ang panahon ng eleksyon para mangolekta ng Permit to Campaign (PTC) sa mga kandidato.

Kaya aniya kabilang sa security plan ng PNP para sa BSKE ang pinaigting na kampanya laban sa teroristang grupo.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us