Pinangunahan ni Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity Sec. Carlito Galvez Jr. At Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang paglalantad ng “Symbol of Peace” ngayong araw sa headquarters ng 6th Infantry Division sa Maguindanao del Norte.
Kasama sa mga dumalo sa seremonya sina Western Mindanao Command (WesMinCom) Commander Lt.Gen. Steve Crespillo, 6th Infantry Division Commander MGen. Alex Rillera at mga opisyal at stakeholder sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao.
Ang 18-talampakang monumento ay replica ng M-16 rifle na gawa sa mga piyesa ng nasabat, nakumpiska, narekober, at isinukong armas na bahagi ng pagsisikap ng militar na wakasan ang karahasan at pagkalat ng iligal na armas sa Bangsamoro region.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Gen. Brawner na sana’y maging inspirasyon ang monumento tungo sa rekonsilyasyon at mas malawak na pang-unawa sa kapwa.
Kinilala din ni Gen. Brawner ng tagumpay ng peace and development efforts sa Bangsamoro na aniya’y dahil sa “whole of nation approach” at pakikiisa ng mga komunidad. | ulat ni Leo Sarne
📷: PFC Carmelotes/PAO, AFP